Tandaan ko pa na yung mga gala ko sa Baguio kasama ang pamilya noong mga lumang taon ng aking mas maagang kabataan. Sayang hindi ko na mababalikan itong mga panahon na yun ngayon ay nakalipas na ang lahat. Kaya itong blog na ito ay ipapakita ang mga magagandang mga ala-ala sa aking gala papuntang Baguio kasama ng aking mga maangas na pamilya.


Isa sa mga nabisita namin sa Baguio ay isa sa mga pinaksikat at pinakakilalang lugar dito sa Baguio, at yung nasa litrato ay ang Strawberry Farms. Sa kasamaang palad, hindi picking season noong kami ay pumunta kami sa Baguio, kaya wala kami masyadong nakuhang maraming mga strawberry. Pero kahit ganun eh, maganda parin ang lugar, at nakakagulat rin dahil sa lawak at sa laki ng strawberry farm. Talagang masikap ang mga taong gumawa ng mga ganitong mga lugar.

Dito naman ay sa Mansion House. Sayang na hindi kami pwedeng pumasok sa loob ng mansion, pero maganda paring yung sight na nakita namin sa labas ng mansion.

Malayo and matagal namin nilakaran yung Burnham Park at nagpunta sa maraming mga lokasyon na makikita mo rito sa parkeng ito.

Ito yung sunod na pinuntahan namin sa Baguio; ang Cathedral. Walang misa rito noong kami ay pumunta, pero nagagandahan ako sa laki ng magandang simbahan na ito at sa dami ng tao na pumupunta rito. At dahil Panagbenga Festival doon noong kami’y pumunta, ay masmaraming taong dumating para magdiwa ng malaking okasyon dito sa Baguio.
Napanood din namin yung kagalakan at ng kasiyahan na naglalaganap sa highway ng Baguio dahil sa pagdiriwang ng Panagbenga Festival noong taon na yun, at madaming mga mahuhusay at makukulay na mga tao at ng mga suot nila para sa pagdiriwang. Masyadong maraming tao noong taon na yun eh di kami masyado nakahanap ng magandang mga view para makita yung parada. (wala ring magandang litrato nakuha dahil doon)
And so, yun lang! Marami pa kaming ibang ginawa pero wala na akong mahanap na photo pwede kong ilagay dito sa blog na ito, madami na hindi ko alam kung saan ko nailagay, at marami na nawala na sa iba kong phone, o kaya ay naidelete na. Salamat po sa pagbabasa ng blog na ito, at magandang araw po para sa inyo.
