
https://kerbyrosanes.com/umbrellaapp-wall-art
(2019)
Ito ay isa sa mga malalaki at isa sa mga magagandang mga artpieces na ginawan ni Kerby Rosanes, isang Filipino illustrator na nangagaling sa Manila, Philippines, at nagtatrabaho para sa mga malalaking mga companya mula sa ibang bansa, kagaya ng Nike, Hunt and Brew, Krispy Kreme, at marami marami pang iba. Itong partikular ng artwork na ginawa niya sa isang building ng isang companya.
Napakacreative ng visual at kung paano niya inexecute yung idea; isang Magellan birdwing butterfly na may geometric na parte ng mga pakpak, at mga iba’t ibang foliage at ng floral life na pinapalibutan ng butterfly. Namamangha ako kung paano nya nagawa ang mga pinakamaliit na mga detalye ng mga halaman at bulaklak at kung paano niya inayos yung pagkakalagay ng mga ito (lalo na naidrawing niya ito na nakatayo; isang napakahirap na gawin para sa mga artist). Talagang napakahusay niyang illustrator.